^

PSN Opinyon

Huwag tumiklop at umatras

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PABALIK-BALIK ang tinatawag na “monster ship” ng Chinese Coast Guard (CCG) sa karagatang malapit sa Zam­bales. Umalis na naman mula sa karagatan ng Zambales ang nasabing barko pero agad namang pinalitan ng mas maliit na barko ng CCG.

Ang pumalit na barko ay may layong 60.4 nautical miles lang mula sa dalampasigan ng Zambales. Malapit na iyan para sa barko na ayaw nating lumapit sa bansa. Tan­daan na ang ating exclusive economic zone (EEZ) ay 200 nautical miles.

Nagpadala ng radio challenge ang BRP Garbriela Silang sa pumalit na barko. Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, tila sinasadyang bumaybay ang mga CCG ng 60-70 nautical miles mula sa bansa na ayon sa kanya ay iligal.

Mismo ang CCG ay nagsasabing nagsasagawa sila ng maritime patrol at hindi freedom of navigation.

Ibig sabihin, inaangkin nila ang buong karagatan na hindi saklaw ng 12 nautical mile territorial limit ng Pilipinas. Kapag 13 natutical miles na ang layo mo mula sa dalampa­sigan ng Pilipinas, nasa China ka na. Iyan ang sabi nila.

 Naiintindihan naman ni Tarriela ang pagkabigo at inis ng maraming mamamayan na ganito lang ang ginagawa ng PCG sa tuwing may CCG na lumalapit na sa bansa.

Hindi raw sa kanila manggagaling ang ultimatum o banta. Hindi daw iyon ang tungkulin ng PCG.

Pero malinaw na nababahala si National Security Council spokesman Jonathan Malaya. Ang mga kilos na ito ng CCG ay para manakot sa ating mga mangingisda na nais lamang maghanapbuhay.

Kapag nababasa ang mga pangyayari sa West Philippine Sea ay hindi masisisi ang iba na manawagan ng mas matinding kilos laban sa CCG. May hangganan din ang pasensya ng ilan.

Sigurado ako ganyan din ang hinanakit ng mga tauhan ng PCG pero wala talagang magagawa dahil utos din ni Pres. Bongbong Marcos Jr. ang huwag palakihin ang sunog, ika nga.

Sa ngayon, wala tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang ating pagpapatrulya sa ating karagatan at manawagan sa CCG na ilegal ang kanilang ginagawa.

Pero ang huwag na huwag nating gawin ay ang tumiklop na lang at umatras kapag dumating na ang mga barko ng CCG. Maaaring kulang tayo sa mas malalakas at modernong kagamitan, pero hindi naman tayo nagkukulang sa katapangan.

Kailangan din natin hintayin kung ano ang gagawin ng bagong administrasyon ni U.S. President Donald Trump hingil sa relasyon sa bansa at aksyon sa West Philippine Sea. 

CHINESE COAST GUARD

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with