^

PSN Opinyon

Mayor sa Italy, pinagbawalan ang kanyang constituents na magkasakit!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang mayor sa Italy ang ginawang “illegal” sa kan­yang bayan ang pagkakaroon ng sakit!

Nagbunsod ng atensiyon ang isang kakaibang kautusan mula kay Mayor Antonio Torchia ng Belcastro, isang maliit na bayan sa rehiyon ng Calabria, Italy.

Sa kanyang proklamasyon, “ipinagbabawal” sa mga residente ang magkasakit o magkaroon ng malubhang kondisyon na mangangailangan ng emergency medical assistance.

Bagamat tila nakatatawa, ipinaliwanag ni Torchia na ang hakbang na ito ay isang paraan upang ipakita ang kakulangan sa serbisyong pangkalusugan sa kani­lang lugar.

Ang Belcastro, na may populasyong halos 1,200 katao kung saan kalahati rito ay nasa edad 65 pataas, ay walang maayos na emergency services.

Ang pinakamalapit na ospital ay mahigit 45 kilo­meters ang layo, at maaabot lamang sa isang ma­kipot na kalsada.

Bukod pa rito, ang doktor na nakatalaga sa lugar ay hindi available tuwing gabi, weekend, o holidays.

Sa nakalipas na 15 taon, ang Calabria, isa sa pina­kamahirap na rehiyon ng Italy, ay nasa ilalim ng pamamahala ng central government upang ma­resolba ang mga utang at maibalik ang maayos na health services.

Gayunman, hindi pa rin natutugunan ang kakulangan ng mga doktor, mahabang pila sa mga ospital, at pagsasara ng 18 health facilities mula 2009.

Noong 2022, nagpadala ang Cuba ng halos 500 doktor upang pansamantalang tugunan ang pangangailangan sa Calabria. Bagamat nakatulong ito, nananatili ang pangmatagalang problema sa sistema ng kalusugan.

Ayon kay Torchia, hindi sapat ang kanyang mga sulat at apela sa mga awtoridad upang maresolba ang isyu. Ang kanyang “humorous provocation,” aniya, ay mas epektibo sa paghimok ng diskusyon ukol sa kanilang pangangailangan.

Pinuri naman ng mga residente ang hakbang ng mayor, na kanilang itinuturing na isang matapang na pamamaraan upang maipakita ang seryosong problema sa kanilang lugar.

Naniniwala silang maaaring magbunga ito ng tunay na solusyon mula sa mga kinauukulan.

ITALY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with