^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paghusayin, kalidad ng edukasyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Paghusayin, kalidad ng edukasyon

NGAYONG 2025, nararapat na mapaghusay ang ka­lidad ng edukasyon sa bansa. Hindi maitatatwa na napag-iiwanan na ang mga estudyanteng Pilipino ng mga kapwa estudyante sa Asia sa mga nakaraang taon. Kulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa larangan­ ng Science, Math at Reading Comprehension. Nakadidismaya na may mga batang edad walo ang hindi ma­runong sumulat at bumasa. Dumami ang mga batang “no read-no write” noong panahon ng pandemya kung saan, naka-online ang sistema ng pagtuturo. Dahil mara­ming mahihirap na Pilipino ang walang computer, lalong nalubog sa kamangmangan ang mga batang Pinoy.

Sa isang report, nakadidismaya na maraming junior high school students ang hindi nakaabot sa required proficiency levels. Kalahati sa junior high school stu­dents ay bagsak. Ayon din sa report, kalahati ng Grade 6, 10 at 12 students ay bumabagsak.

Lalong nakadidismaya ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan ang mga Pilipino students ay nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading. Para makapasa, kailangang ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading. Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante ng Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia, Japan, Korea at Chinese Taipei na mataas ang nakuhang puntos.

Sa isa pang report, bagsak din ang Pinoy students sa creative thinking assessment na isinagawa rin ng PISA noong 2022. Ikalawa sa kulelat ang mga estud­yanteng Pinoy sa 64 na bansang sumailalim sa PISA assessment.

Nakababahala ang ganitong ipinakikitang kahinaan ng mga estudyanteng Pilipino hindi lamang sa English, Math at Science kundi pati na rin sa Kasaysayan. Ima­gine, may mga estudyante sa senior high school na hindi alam ang mga bayaning Pilipino gaya ni Tandang Sora. Ang alam lang nila ay isang lugar sa Quezon City ang Tandang Sora.

Noong nakararaang Agosto 2024, isinulong ni DepEd Sec. Secretary Sonny Angara na magsagawa ang mga eskuwelahan ng examinations na katulad ng PISA. Ito ayon kay Angara ay upang masubukan ang kaalaman ng mga estudyante sa problem solving at reading com­­prehension. Ayon kay Angara sa pamamagitan ng exa­minations, mahahasa ang talino ng mga bata at maaari itong iaplay sa totoong sitwasyon ng buhay.

Ngayong 2025, sinabi ni Angara na tutukan ng kan­yang tanggapan na mapaghusay ang kalidad ng edu­kasyon. Kahit daw tinapyasan ang budget ng DepEd ngayong taon, isusulong niya ang reporma at pagpapaunlad sa edukasyon ng mga kabataan. Sana maisa­katuparan ang mithiin ni Angara. Sana hindi na ma­ngu­lelat ang mga estudyanteng Pilipino.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with