^

PSN Opinyon

Gout at mataas na uric acid

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING paiba-ibang payo sa gout kaya minabuti ko ilahad ang pahayag ng Mayo Clinic tungkol dito.

Ang gout ay isang komplikadong sakit sa buto, na may kasamang biglaan at matinding pag-atake ng sakit, pamu­mula at paninigas ng kasu-kasuan ng katawan. Naa­apek­tuhan nito ang paa, sakong, tuhod, kamay at kamao, ngunit kada­lasan na-apektuhan ang hinlalaki sa paa.

Ang gout ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa dugo. Kaya ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng crystals (parang buhangin) na nabubuo sa kasu-kasuan o palibot ng tissue na dahilan ng pananakit at pamamaga.

Ang matinding pag-atake ng gout ay maaaring makapag­pagising sa kalagitnaan ng pagtulog na para bang sinusunog ang hinlalaki.

Ang apektadong joint ay mainit, namamaga at naninigas.

Ang mga risk factors sa gout ay ang labis na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, high blood pressure, mataas na kolesterol at diabetes, at kung may lahi sa pamilya na gout.

Ang gout ay nagagamot, at may paraan para mabawasan ang panganib na dulot nito.

Inirerekomenda ng American Dietitic Association ang mga sumusunod kung umatake ang gout:

1. Uminom ng 8-16 tasa ng likido bawat araw. Mas mainam kung tubig o sopas ito at hindi matamis na inumin.

2. Iwasan ang pag-inom ng alak.

3. Kumain ng katamtamang dami ng protina, mas ma­inam kung galing sa gatas (low-fat milk), tofu o tokwa, at itlog. Hindi bawal ang monggo at tokwa sa gout.

4. Bawasan ang pagkain ng karne, isda at manok sa apat hanggang anim na ounces lamang. Ang mga pagkaing ito na mataas sa protina ang nagpapataas ng uric acid sa iyong dugo.

5. Panatilihin ang tamang timbang.

6.Kumunsulta sa doktor kung nilalagnat at ang kasu-kasuan ay mainit at namamaga. Baka senyales ito ng impeksyon.

7. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na sumasakit sa gout.

8. Ang karne at lamanloob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.

9. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.

10. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang  uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout. Nagbibigay din kami ng Colchicine tablets, apat na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng mefenamic acid din para sa kirot. Magpa-check-up sa doktor.

URIC ACID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with