^

PSN Opinyon

2 baboy, nakatanggap ng ‘pardon’ at nakaligtas katayin para ihanda sa Noche Buena noong Pasko!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Dalawang baboy na pinangalanang Glinda at Elphaba ang nakaiwas na maging Noche Buena ng mga pamilyang Cuban-American sa Florida, U.S.A. matapos silang bigyan ng “pardon” ng kanilang mayor na si Daniella Levine Cava.

Ang seremonyang ito ay lokal na bersiyon ng mga taga-Miami sa tradisyunal na pagbigay ng pardon ng White House sa mga turkey o pabo tuwing Thanksgiving.

Sa halip na ma­ging lechon asado, ang mga baboy na pinangalanang “Glinda at Elphaba”, ay ipagpapatuloy ang kanilang buhay sa isang animal sanctuary sa Miami.

Ang kanilang lifespan ay inaasahang nasa pagitan ng 12 hanggang 15 taon.

Ang seremonya, na ginanap sa labas ng Latin Café 2000, ay nagsimula bilang isang biro sa mga empleyado ng nasabing restaurant.

Ayon kay Eric Castellanos, may-ari ng Latin Café 2000, naisip nila ang ideya matapos makita ang balita tungkol sa presidential pardon ng mga pabo.

“Hindi naman pabo ang karaniwang kinakain dito sa Miami tuwing Pasko; baboy ang pangunahing handa. Kaya sinabi namin, “Bakit hindi tayo gumawa ng sarili nating version?’ At ang kasaysayan ay nagsimula roon,” ani Castellanos.

Sa kabila ng seremonya, tila mas interesado ang dalawang baboy sa mga mansanas at dalandan na ibinigay sa kanila kaysa sa atensiyon ng mga tao.

Nang matapos ang okasyon, dinala sina Glinda at Elphaba sa kanilang bagong tahanan, na opisyal na nagtala sa kanila bilang ika-12 at ika-13 baboy na nailigtas sa ika-pitong taon ng tradisyong ito.

Bukod sa pagiging isang nakatutuwang selebrasyon, ang Christmas pig pardon ay nagbi­gay-pugay sa impluwensiya ng kulturang Cuban sa Miami.

Ang tradisyong ito ay hindi lamang nagpapakita ng kasiyahan kundi pati na rin ng pakikiisa sa diwa ng Pasko sa gitna ng isang kultura na puno ng kulay at kasaysayan.

FLORIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with