Kawatang pulitiko sa Benguet maka-karma
Ibinasura ng Second Division ng Commission on Elections ang kandidatura ni Adam Yap bilang kinatawan ng Benguet sa Mababang Kapulungan. Kinakitaan daw ng kawalang kaseryosohan si Adam at nabuyo lamang ng kampo ng katunggaling si re-electionist Rep. Eric Go Yap.
Napagtanto ng Comelec Second Division na sadyang pagbabalahura lamang sa sistema ng eleksyon ang paghain ni Adam ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre.
Maliwanag ang pakay ng mga nambuyo kay Adam upang magpunta sa Comelec Benguet at naghain ng COC bilang kandidato noong Oktubre. Nais salisihan si Benguet Rep. Eric Go Yap. Tiyak, mahihilo ang mga taga Benguet sa Mayo 12, 2025.
Sa kabila ng pagbalahura sa eleksyon ng mga kawatan sa Benguet, nananatili si Rep. Eric Go Yap na naglilingkod sa kanyang probinsya. Lumapit na ang pamilya ni Adam kay Eric Go Yap upang humingi ng kapatawaran. Patawad naman ito sapagkat naniniwalang biktima rin si Adam ng panlilinlang.
Bumabalandra sa kalaban ni Yap ang kanilang kagagawan. Lalo pang nawawalan ng pagtitiwala ang mga botante sa hangarin niya sa Benguet. Magsisilbing babala ang pangyayaring ito sa mga pulitikong marumi na kailanma’y hindi magwawagi ang kasamaan.
Hindi pinarurusahan ang ganitong istilo ng pagbabalahura sa halalan, kundi tatapyasan ng bilang ng boto ang pulitikong inakalang makikinabang sa pambabalahura sa Mayo 12, 2024.
“Karma” ang tatama sa kawatang pulitiko at mga galamay nito. Ayaw lumaban ng patas. Ngayon pa lang, may plano nang manggulang, paano pa kung nakapuwesto na siya?
* * *
Para sa komento, i-send sa: [email protected]
- Latest