^

PSN Opinyon

Dynasties kumokonti sa mundo, pero dumarami sa Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pinatalsik ng mamamayan ng Bangladesh si Prime Minister Sheikh Hasina. Napuno na sila sa kanyang pagka-awtokrata, tiwali at pagkanlong sa political dynasties.

Sa mga halalan sa India at Taiwan nitong 2024, isinuka ng mga botante ang political dynasties.

Sa ibang bansa kumokonti ang dynasties. Sa Pilipinas dumarami.

Inaral ni Ernesto Dal Bo nu’ng 2009 ang dynasties sa U.S. Congress. Nu’ng 1789-1858, 11 percent sila ng mga mambabatas. Bumaba sa 7 percent nu’ng 1966, at 6 percent ngayon.

Inaral ni Brian Feinstein nu’ng 2011 ang pagkonti ng dynasties sa mga bansang kumontrol sa abusadong puli­tika, lalo na sa Latin America.

Inaral ni Dean Ronald Mendoza, Ateneo School of Go­vernment, ang dynasties sa lehislatura nang maraming bansa­: U.S., 6 percent; Argentina, 10 percent; Greece, 10 percent; Ireland, 22 percent; India, 24 percent; Japan, 33 percent; Mexico, 40 percent; at Thailand, 42 percent.

80% ng Kongreso ay dynasties
PNA file photo MISSING

Kinumpara niya sa Pilipinas: 75 percent nu’ng 2013 at 80 percent nu’ng 2019. Dumami pa!

Nu’ng 2022, sa 24 senador, nagkaroon ng mag-ina, mag­kapatid na buo, at magkapatid sa ama. Sa Kamara may mag­kapatid, maghipag, magbayaw, magpinsan. Pati party-lists ay dynastic.

Dalawang uri ang dynasties: “mataba” kasi sabay-sabay umuupo ang magkakadugo; “mapayat” o halinhinan.

Lumalala ang katiwalian dahil sa dynasties. Kinukubli nila ang pandarambong ng isa’t isa sa kongreso at local na posisyon.

‘Yan ang dahilan sa kawalan ng oportunidad, karalitaan, gutom, kamangmangan, baha, epidemya.

Panahon nang isuka rin ng Pilipinas ang dynasties. Nana­nawagan ng reporma ang Alyansa ng Nagkaka-Isang Mamamayan. Nasa ANIM ang mga retiradong heneral, pari, kabataan, kababaihan, propesyonal.

SHEIKH HASINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with