^

PSN Opinyon

Kampo ni Keng, no say sa pagka-relieve nina Hernia at Cariaga!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALANG pressure mula sa kampo ng Century Peak Tower owner na si Willy Keng para ma-relieve sa puwesto ang dalawang top officials ng Philippine National Police na nanguna na mag-raid dito.

Malakas kasi ang ugong-ugong sa Camp Crame na ginamit ng kampo ni Keng ang impluwensiya niya para maalis sa tungkulin sina NCRPO chief  Maj. Gen. Sidney Hernia at ACG director Ronnie Cariaga.

Sina Hernia at Cariaga ay kasalukuyang nasa 10-day administrative relief. Sa ginanap na press briefing nitong nakaraang Biyernes tinanong si PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo kung may pressure mula sa kampo ni Keng para masibak sa puwesto sina Hernia at Cariaga, at mahigpit na pinabulaanan niya ito.

Nilinaw ni Fajardo, na walang pressure na natatanggap ang PNP kaninuman para alisin sa puwesto ang dalawa nilang mataas na opisyal dahil sa pangunguna sa raid sa Century Peak Tower na pag-aari ni Keng.

Hayan mga kosa, maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan ha? Walang kinalaman ang kampo ni Keng sa pag-relieve kina Hernia at Cariaga. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Niliwanag ni Fajardo na hindi porke’t na-relieve sina Hernia at Cariaga ay guilty sila sa mga akusasyon laban sa kanila. Aniya, kaya pinatawan ng administrative relief ang dalawa ay to give way sa investigation na gagawin ni Lt. Gen. Michael John Dubria, ang PNP Deputy Chief for Operations.

Iginiit ni Fajardo na kapag ang isang PNP personnel ay ipinasailalim sa imbestigasyon dahil sa pending cases, ang option ay ilalagay sila under restrictive custody o sa administrative relief.

Ayon pa kay Fajardo sa ilalim ng existing PNP policy, ang administrative relief ay hindi isang klase ng kaparusahan kundi paglilinaw lang ng mga isyu na lumutang sa Century Peak Tower operation. Eh di wow!

Ang PNP leadership, ani Fajardo, ay naninindigan na ilegitimate ang nasabing operation na ang pakay ay ang pagpapatupad ng cyber warrant na inisyu ng RTC, Manila.

Subalit sa pagpatupad ng warrant, may mga isyu na  kinuwestiyon ng kampo ng Century Peak Tower tulad ng pag­baling ng CCTV cameras na ang mga raiders ay may sapat naman na dahilan. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

Nilisan na ng ACG operatives ang Century Peak Tower matapos mahigpitang binantayan ang mga nakumpiskang ebidensiya para hindi mabago o ma-alter ang mga ito dahil kinakailangan ito sa imbestigasyon.

“Ang gusto lamang natin matingnan during the inquiry at investigation na isasagawa ng committee is was there any operational protocols that were violated or that were not followed during the operation,” ani Fajardo sabay diin na walang mali sa lakad ng NCRPO-ACG. Mismooo!

Aalamin din ni Dubria kung nagkaroon ng negligence in terms of supervision sa mga raiding teams na nagsagawa ng operation. Hayan, maliwanag pa sa sikat ng buwan ang paliwanag ni Fajardo ha, mga kosa? Antayin natin ang resulta ng probe ni Dubria para malinaw ang lahat sa Century Peak Tower raid. Eh di wow!

Kung sabagay, halos lahat naman ng raid versus POGO ay sumemplang dahil sa technicalities at ang kinalabasan ay puro duda na pitsa-pitsa lang ang lakad ng mga raiders. Ang sakit sa bangs nito! Abangan!

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with