^

PSN Opinyon

Ngipin ng mga bata alagaan habang maaga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga bata ay nagkakaroon ng 20 ngipin pagdating ng apat na taong gulang at 32 ngipin pagsapit ng 20 taong gulang.

Pero tatlo sa apat na bata ay hindi pantay-pantay ang ngipin kaya akala mo ay sobra. May ngipin na sungki, nasa labas ng gilagid at hindi kaaya-ayang tingnan. Sa edad limang taon ay makikita na itong problema sa ngipin.

Narito ang mga posibleng dahilan at ilang tips para ma­iwasan:

1. Puwedeng ipinanganak na maliit ang panga o bibig kum­para sa laki ng ngipin. May taong hindi pantay ang laki ng itaas na panga (upper jaw) kumpara sa ibaba na panga (lower jaw). Dahil dito, nagsusungki ang mga ngipin.

2. Ang mga batang mahilig dumede o magsubo ng daliri at maglaro ng kanilang dila ay puwedeng maapektuhan ang ngipin.

3. Ang pagkakaroon ng sirang ngipin at impeksiyon sa gilagid ay puwedeng makatabingi sa pagtubo ng ngipin. Dahil sa tabi­nging ngipin, maraming teenager ay nagiging self-conscious at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kahit ang mukha at pananalita ay puwedeng maapektuhan.

4. Nararapat magpatingin sa dentista ang mga bata. Ipapa-x-ray ang ngipin at magrerekomenda ng braces o retainer. May pagkakataon na inooperahan para ayusin ang mga ngipin.

5. Magsipilyo ng ngipin palagi para maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

vuukle comment

NGIPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with