Isyu sa diabetes
ALAM ba ninyo na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain. Heto ang tips na dapat tandaan.
1. Walang “mild†sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.
2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at ma-kolesterol na pagkain.
3. Tumanggi sa ice tea, softdrinks at capuccino. Magtubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong ice tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na zero calories.
4. Mansanas at peras ang pangdiyeta na prutas.
Akala nang marami ay “all you can eat†ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abukado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas, 6 na piraso lang ang limit mo.
Ang mga prutas na puwedeng kainin ay ang mansanas, peras at saging. Ngunit, huwag ubusin ang isang piling!
5. Puwede ang 1 rice at 1 ulam.
May mga pasyenteng hindi na kumakain ng kanin. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay hihina kayo at mawawalan ng sigla.
KaÂilangan din ng katawan natin ang carboÂhydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 cup rice ay OK na, di ba? Good luck po sa pagkontrol ng inyong diabetes.
- Latest
- Trending