^

Police Metro

409 Pinoy sa Sudan nailikas na

Malou Escudero - Pang-masa
409 Pinoy sa Sudan nailikas na
This image grab taken from AFPTV video footage on April 20, 2023, shows an aerial view of black smoke rising above the Khartoum International Airport amid ongoing battles between the forces of two rival generals. Hundreds of people have been killed since the fighting erupted on April 15 between forces loyal to Sudan's army chief Abdel Fattah al-Burhan and his deputy, Mohamed Hamdan Daglo, who commands the paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Aabot sa 409 na Pinoy na naiipit sa gulo sa Sudan ang nailikas na ng pamahalaan ng Pilipinas matapos isa­gawa ang mass evacuation sa gitna ng idineklarang tatlong araw na ceasefire sa Sudan.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, base sa ulat na natanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 335 sa 409 Pilipino ang mga overseas Filipino workers at mga miyembro ng kanilang pamilya ang umalis ng Khartoum at nagtungo sa Egypt sa pamamagitan ng Wadi Halfa Highway.

Nasa 35 OFWs at 15 estudyante rin ang nailikas sa Egypt sa tulong ng mga Pilipino sa Sudan gayundin ang mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW).

Kasalukuyang nasa Cairo, Egypt sina DMW Secretary Susan Ople at Undersecretary Hans Leo Cacdac, para tumulong sa evacuation efforts ng gobyerno at pamunuan ang pamamahagi ng welfare assistance sa mga lumikas na OFWs mula sa Sudan.

Sinabi ng DMW chief na inutusan sila ni Pangulong Marcos na mabilis­ na ilikas ang lahat ng apek­tadong Pilipino sa Sudan at katiyakan na ang mga walang pasaporte o identity card ay bibigyan pa rin ng tulong sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabahala naman si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo (Kabayan Partylist) sa kala­gayan at kaligtasan ng  nasa 750 pang hindi mga rehistradong Pilipino na naiipit sa civil war sa Sudan. - Joy Cantos

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with