Motorsiklo sumemplang, mister dedo, misis sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang mister habang sugatan ang kanyang asawa matapos na sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Pasig City kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Florencio Pobre, Facilities Management Division Chief ng Traffic and Parking Management Office sa Pasig. Sugatan naman ang misis nitong si Beth.
Sa salaysay sa pulisya ni Dondon Minion, sinabi nito na kumukuha siya ng buhangin sa kanyang truck nang marinig ang malakas na pagsemplang ng motorsiklo ng mga biktima sa M. Eusebio St. sa Pasig City, ganap na alas-8:00 ng umaga.
Isinugod ang mag-asawa sa pagamutan ngunit patay na si Florencio.
Inaalam na umano ng pulisya kung kaso ito ng hit-and-run o kung self accident lamang dahil madulas umano ang kalsada nang maganap ang aksidente.
- Latest
- Trending