^

Metro

Car-Free, Carefree Tomas Morato, tuloy - Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na ipatutupad ng Quezon City Government ang kanilang “Car-Free, Carefree Sundays” sa kahabaan ng Tomas Mo­rato Avenue na layong maitaguyod ang active mobility at makalikha ng ligtas at open space para sa mga residente at bisita na makapag- enjoy sa kanilang re­creational activities.

Sa ilalim ng Ordinance N. SP-3345, S-2024 na iniakda ni QC Councilor Irene ­Belmonte, ang bahagi ng  Tomas Morato Avenue ay isasara sa  vehicular traffic upang bigyang daan ang mga  pedestrians, joggers at  cyclists upang magkaroon ng isang active lifestyle, maibsan ang usok ng mga sasakyan at magkaroon ng isang malinis at luntiang  urban environment.

Ang isasarang kalsada ay ang  Tomas Morato Avenue mula Timog Avenue hanggang Don Alejandro Roces Avenue sa QC. Para sa re-routing ng mga motorista ay tingnan ang official Quezon City Government Facebook page para sa mga impormasyon sa bagong traffic scheme.

Ito ay may dalawang  phase, ang Phase 1  ay ipatutupad tuwing 1st Sunday ng bawat buwan mula alas-6 ng ­umaga hanggang alas-10 ng umaga, makaraan ang isang taon, ipaiiral naman ang Phase 2 kung saan ang naturang scheme ay ipatutupad tuwing linggo ng  bawat buwan.

Binigyan diin naman ni Mayor Joy ­Belmonte na ang “Car-Free Sundays” ay patunay na pinahahalagahan ng city government ang kalusugan at buhay ng Citizen.

GOVERNMENT

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with