^

PSN Showbiz

Herlene Budol pinakyaw 7 special awards sa Binibining Pilipinas, umuwing 1st runner-up

Philstar.com
Herlene Budol pinakyaw 7 special awards sa Binibining Pilipinas, umuwing 1st runner-up
Kuha kay Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol
Binibining Pilipinas/Released

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang "Hipon Girl" ang pitong special awards sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Inuwi ng 22-anyos na komedyante ang mga sumusunod:

  • Binibining Kumu
  • Binibining Pizza Hut 2022
  • Binibining Shein
  • Binibining Silka
  • Binibining World Balance
  • JAG Queen
  • Manila Bulletin Readers' Choice Award

Bukod dito, pinangalanan din si Budol bilang 1st runner-up sa naturang patimpalak.

Kinoronahan sina Nicole Borromeo bilang Binibining Pilipinas International 2022, Gabrielle Camille Basiano bilang Binibining Pilipinas Intercontinental 2022, Chelsea Fernandez bilang Binibining Pilipinas Globe 2022 at Roberta Angela Tamondong bilang Binibining Pilipinas Grand International 2022. Si Stacey Daniella Gabriel ay nagwagi bilang 2nd runner-up.

'Uniquely beautiful with a mission'

Sa Top 12, tanging si Hipon Girl lang ang sumagot sa Question and Answer portion sa wikang Filipino na siya namang kinagiliwan ng netizens.

"A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?” tanong ni Cecilio Asuncion kay Hipon Girl.

Bago pa man makasagot ang komedyana ay nagtanong ang hurado kung gusto ni Budol na Tagalugin niya ang tanong na siya namang sinang-ayunan ng beauty queen.

“Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sa ’yo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?” ani Asuncion.

“[P]ara sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible," tugon ni Budol.

“Isa po akong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know… because I know for myself that I am beautiful… because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission,” pagpapatuloy niya.

Ginanap ang Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City nitong Linggo. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BINIBINING PILIPINAS

HERLENE NICOLE BUDOL

HIPON GIRL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with