Makati road rage suspect kinasuhan ng murder

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng murder sa Makati City Prosecutors’ Office ang suspek sa Makati road rage na ikinasawi ng isang 65-anyos na family driver noong Mayo 28, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Alas-10:00 ng umaga kahapon nang isailalim sa inquest proceedings ang suspek na si Gerrard Raymund Talusan Yu, sa tanggapan ni Makati City Prosecutor Francis Emmanuel DC Panganiban.

Kasama ni Yu ang kaniyang abogado, na nag-waive na ng karapatang sumailalim sa preliminary investigation (PI).

Nangangahulugan ang complaint ay submitted for resolution na o pagpapasiyahan ng piskalya batay sa mga iprinisintang ebidensya.

Sinabi ni NCRPO chief, P/Major general Jose Melencio Nartatez Jr na aksyon na ito at ang malalim na imbestigas­yon ay kumakatawan sa isang malinaw na pagpapakita ng zero-tolerance policy ng NCRPO sa karahasan at kriminalidad.

Kabilang sa isinumite ang investigation report, ballistic at forensic analy­sis at ang sasakyan ni Yu at baril na ginamit.

Show comments