^

PSN Showbiz

Emil Sumangil, hindi matanggap na papalit kay Mike Enriquez

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Emil Sumangil, hindi matanggap na papalit kay Mike Enriquez
Mike Enriquez
STAR/ File

Parang hiyang-hiya ang sagot ng veteran broadcast journalist na si Emil Sumangil nang hingan ng reaction sa sinasabing siya ang gini-groom na next Mike Enriquez.

“Parang suntok sa buwan eh. Malayo.

“Meron lang akong sariling avenue at dito ko ipapakita ang kakayanan ko,” aniya sa media conference kahapon ng bagong takbuhan ng publiko, Resibo: Walang Lusot ang may Atraso.

Matagal-tagal na rin kasing hindi napapanood si Mr. Enriquez na kabilang sa mga programa niyang tumatak ay ang Imbestigador.

Sumailalim sa kidnedy transplant si Mr. Enriquez at pagkatapos nun ay sandali lang siyang bumalik sa trabaho hanggang nag-rest na.

Pero ngayong sasalang si Emil sa parang ganung konsepto, magkakaroon na ng bagong takbuhan ang publiko simula sa May 7 na mapapanood sa multi-platform public service program ng GMA Public Affairs.

Bilang “Mr. Exclusive,” abangan si Emil  sa pagtahak ng katotohanan, pagsama sa mga imbestigasyon at operasyon, at sa pagtulong sa paglutas ng iba’t ibang isyu.

Talaga raw walang lusot ang mga gumagawa ng kalokohan dahil sa title pa lang ng show, magiging basehan ng aksyon ang mga “resibo” na makakalap ng programa.

Bukod sa GMA at GTV, simulcast din every Sunday, 5 p.m. ang Resibo: Walang Lusot ang may Atraso sa Super Radyo DZBB at may livestream sa GMA Public Affairs’ Youtube at social media accounts.

Mangiyak-ngiyak si Emil, pero sobra-sobra ang pasasalamat niya at nagkaroon siya ng ganitong programa.

Sa totoong buhay ay madasalin si Emil.

In fact, nang matanggap daw niya ang advice ng mga bossing ng GMA na magkakaroon siya ng ganitong programa ay nasa adoration chapel siya at nagdarasal.

MIKE ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with