Rufa Mae, may pinatunayan kahit sa promo lang ng patok na korean film
Bongga ang parody ni Rufa Mae Quinto sa pinakabagong action crime Korean film na Kill Boksoon na super trending sa Netflix PH.
Ipinakita ni Rufa Mae Quinto ang kanyang husay sa comedy na sa ngayon ay more than 12 million views na.
Pinamagatang Kill Boksoon: Todo Na ‘To, kalat sa social media ang parody video na nagpapakita sa sexy actress na nakadamit bilang titular character na nasa counter at nagbabayad ng mga bote ng patis na wala na palang 70% discount.
Kaya nang malaman niya ito pagdating sa cashier dahil tapos na ang promo, nagalit siya at nagwala.
Winalis ang mga bote ng patis at namaril at pagkatapos ay naglabas ng palakol upang sirain ang promo banner ng supermarket.
Pero ini-imagine lang ng comedienne-actress ang lahat ng nangyari at hiniling sa cashier na i-void ang lahat ng patis.
Pinatunayan ni Rufa Mae na pwede pa siya sa malulupit na role tulad ng mga Korean star.
Dito kasi sa atin, ‘pag medyo nag-mature na hanggang support na lang at nanay ang karaniwang role. Wala nang bigating project na bida sila.
At sa Netflix naman puro ad lang ang mga local star natin na ang pino-promote ay mga international project.
Well, parang ganun nga lang ata ang kapalaran ng mga Filipino pagdating sa entertainment industry.
GMA, maraming naka-line up na Pinoy films ngayong Santong Araw
May special schedule programming ngayong Huwebes Santo (Abril 6), Biyernes Santo (Abril 7), at Black Saturday (Abril 8) ang GMA Network.
Uumpisahan ang Huwebes Santo sa biographical religious drama na Magdalena sa 6:30 a.m.
Susundan ito ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints 2023 April General Conference sa ganap na 8:00 a.m.
Tiyak na aabangan din ang isang masaya at puno ng adventure na umaga na may back-to-back fantasy films na Dugo ng Panday sa 9:00 a.m., at Magikland sa 10:30 a.m.
Ang Hollywood classic na nagtatampok ng mga pinakadakilang kwento ng Old Testament, The Bible, ay ipapalabas sa 2:00 p.m.
Nakatakdang ihandog ng CBN Asia ang special nitong Holy Week drama na Tanikala: Senior Moment sa ganap na 5:00 p.m.
Pagkatapos ay maaring tutukan sa flagship newscast ng GMA na 24 Oras sa ganap na 6:00 p.m. Susundan ito ng marathon ng mga pelikulang Pilipino – Just The Way You Are sa ganap na 6:30 ng gabi; Finally Found Someone sa 8:30 p.m.; at Imagine You and Me sa 10:30 p.m.
Pagdating ng Biyernes Santo (Abril 7) kasama ang internationally-acclaimed religious program na Power to Unite na pinangunahan ni Ms. Elvira Yap-Go sa 6:00 a.m. Susundan ito ng Jesus sa 6:30 a.m.
Alalahanin ang pitong huling salita ni Hesus mula sa Sto. Domingo Church via Siete Palabras simula 12:00nn. Susundan ito ng The Bible sa 3:00 p.m., at CBN Asia’s Tanikala: Kampihan sa 5:00 p.m.
Abangan ang pinakabagong balita sa pamamagitan ng 24 Oras sa 6:00 p.m. Susundan ito ng pagpapalabas ng Hollywood classic na nagtatampok ng muling pagsasalaysay ng Biblikal na kuwento ni Moses sa The Ten Commandments sa 6:30 p.m.
Tapusin ang gabi sa romantic film na How to Be Yours sa ganap na 10:30 p.m.
Sa Abril 8, magsisimula ang Black Saturday sa The Story of Jesus for Children sa 6:30 a.m. Susundan ulit ito ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints 2023 April General Conference sa ganap na 8:00 a.m.
Samantala, muling ma-in love sa Because I Love You na pinagbibidahan ng Sparkle artists na sina David Licauco at Shaira Diaz sa 12:00nn.
Sa ganap na 2:00 p.m., alamin ang higit pa tungkol sa mga turo at personalidad ng Kristiyanong kasulatan sa Ang Bibliya
Mapapanood din 24 Oras Weekend sa ganap na 6:00 p.m. na sinusundan ng Philippine Free TV Premiere ng Miracle in Cell No. 7 alas-6:30 ng gabi.
At ang directorial debut film ni Michael V’s na Family History ay mapapanood sa 8:30 p.m., na susundan ng family comedy-drama na Three Words to Forever sa 10:30 p.m.
- Latest