Ka Tunying at Rossel, pilit kinakaya ang pinagdaraanan ng anak na may cancer
Hindi ko ma-imagine kung gaano kabigat ang pinagdaanan ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna na nasa Singapore pa rin hanggang ngayon para bantayan ang anak nilang si Zoey na nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Ang hirap din para sa mag-asawang Ka Tunying at Rossel na kailangang magpakatatag sa harap ng kanilang anak.
Kamakalawa lang ay ipinost ni Ka Tunying sa kanyang IG account na nagpapasalamat sa doktor ni Zoey na si Dr. Anselm Lee.
Kinunan niya ‘yun bago sila lumabas ng hospital.
Mahaba ang caption sa naturang post, pero sinimulan niya ito nang pasasalamat sa Diyos na hindi iniwan ang kanyang anak na si Zoey.
“Salamat po Ama, di mo iniwan si Zoey (pray and heart emoji). Napakahirap ngumiti sa harap ng publiko habang pinipiga ang puso ko na masdan ang nangyayari kay Zoey,” umpisa niya.
Doon inilahad ni Ka Tunying ang nangyari kay Zoey nung Feb. 4 ng 3:30 ng umaga.
“It was a battle that I never expected Zoey can fight gallantly while shedding blood and tears. It was literally blood and tears.”
Isinalaysay niya ang nangyari kay Zoey nung 8:45 pa lang ng gabi, na habang naghihintay raw sila ng oras sa pagdarasal ng buong pamilya, nag-bleed na raw ang ilong ni Zoey.
In-assist daw agad ito ng kapatid niyang si Helga para matigil ang pagdurugo, pero tuluy-tuloy pa rin ito.
Patuloy raw sila sa pagdarasal, at umabot na raw sila sa pag-Google kung ano ang mabuting gawin para malunasan itong padurugo. Pero tuluy-tuloy pa rin ito.
Hanggang sa dinala na raw nila ito sa Mt. Elizabeth Hospital sa payo ng doktor nitong si Dr. Lee.
Dumating na raw doon ang doktor nito at medyo humupa naman daw nung sinimulan ng doktor ang ‘pinching strategy,’ pero hindi na-maintain ang pagpapatigil ng dugo.
Nang na-settle na raw si Zoey sa kanyang kuwarto, bumalik na naman ang pagdurugo, at pagkatapos ng ilan pang treatment na ginagawa ay nadagdagan pa ng pagsusuka ng dugo.
Umabot na raw sila ng dalawang oras sa pagpapatigil ng dugo at naglagay na raw sila ng plastic bag para masalo ang mga isinusuka niyang dugo.
Sabi pa ni Ka Tunying; “I couldn’t really stand to see my child suffer like this but she was relying on me. She was fighting. She was trying to win the battle.
“At some point, I saw Zoey shedding tears because of the pain that she’s going thru. At another point, when the platelet transfusion was done and there was still nosebleed and she continued to vomit her own blood, she asked and begged, ‘I thought it’s gonna stop?’
“I almost cried but I fought very hard not to.”
Dumadaing na raw ang anak niyang ayaw na niya, pero nagkukunwari na lang kilalang broadcaster na hindi niya naintindihan ang sinasabi ng kanyang anak.
“I can see how difficult it is for Zoey. If only I can just wipe Zoey’s sickness. If only I can just take the sickness.
“We prayed again and thereafter I told Zoey to continue fighting.
“Zoey was something. Zoey has a braveheart. Zoey is awesome.”
Ramdam namin ang hirap na pinagdaanan ng buong pamilya. Pero kailangan nilang magpakatatag, at humuhugot din sila ng lakas sa katapangang ipinapakita ni Zoey kahit nahihirapan na rin sa kanyang kalagayan.
Sana patuloy tayong tumulong sa pagdarasal ng tuluy-tuloy na paggaling ni Zoey at mananatiling matatag ang buong pamilya, lalo na ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel.
AiAi, naiiyak ‘pag naaalala ang pagso-sorry ng ina
Kapag nanay ang paksa sa usapan, hindi emotional ang mga anak, kapag inaalala ang mga bagay na hindi makakalimutan sa kanilang ina.
Isa ito sa napag-usapan sa nakaraang mediacon ng bagong afternoon drama na Raising Mamay na pinagbibidahan nina AiAi delas Alas at StarStruck Female Survivor na si Shayne Sava.
Naging emotional si AiAi nang inilahad niya ang isang bagay na hindi niya nakakalimutan sa kanyang tunay na ina.
Hinding-hindi raw niya nakakalimutan ang paghingi ng kapatawaran ng kanyang tunay na ina, dahil ipinabigay siya nito dala ng kahirapan at naipangako rin sa kanyang adoptive mother.
Sinasabi raw niya sa kanyang tunay na ina, hindi na ito kailangang humingi ng tawad sa kanya dahil sa naipamigay siya nung bata pa siya.
Mahal na mahal daw niya ang kanyang ina.
“Ako para sa akin, nanay kita e. Kahit anong mangyari, hindi mo kailangang mag-sorry na napamigay mo ako. Kasi nanay kita. Mahal kita, kahit na anong nangyari sa atin, bilang anak at saka ina.
“Iyon ang hindi ko makakalimutan sa kanya, ‘yung sincerity na nagsu-sorry siya. Kahit hindi naman niya kailangan. Kasi ‘yung pagiging nanay niya, hindi ko ‘yun kayang bayaran. Kaya hindi na niya kailangang mag-sorry sa akin,” maluha-luhang pahayag ni AiAi sa nakaraang mediacon ng Raising Mamay na magsisimula na sa April 25.
- Latest