100 barko ng China naispatan sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Mahigit 100 mga barko ng China ang namataan sa West Philippine Sea (WPS) sa isinagawang Maritime patrols ng Philippine Coast Guard noong April 18 hanggang 24.
Sinabi ni Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang naturang mga barko ay mga Chinese Maritime Militia vessels na People’s Liberation Army Navy corvette, at dalawang China Coast Guard (CCG) vessels.
Aniya, nagsumite na ng report ang PCG sa National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS) hinggil sa presensya ng Chinese warship at patuloy na paglitaw ng mga umano’y sasakyang-dagat ng CMM sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, gayundin ang mga agresibong aksyon ng CCG laban sa mga sasakyang-dagat ng PCG.
Sa ulat ng PCG sa NTFWPS, noong Abril 21 nang unang kumprontahin ng PLA Navy vessel 549 ang BRP Malapascua may pitong nautical miles mula sa Pag-asa Island.
Unang nagpadala ng radio challenge ang Chinese vessel sa PCG na inutusan na umalis sa bisinidad at sinabihan na ang pagsuway ay maaaring magdulot ng problema. Sa kabila nito, hindi nagpasindak ang BRP Malapascua na nagpatuloy sa pagpapatrulya upang ipakita ang karapatan sa karagatan na sakop ng bansa at gumanti ng tugon na dapat ang Chinese vessel ang umalis sa lugar.
Abril 23 naman nang harangin ng CCG 5201 at 4202 ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo. Nagpatupad umano ng mapanganib na maniobra ang CCG 5201 na mayroon na lamang 50 yarda na layo sa BRP Malapascua. Samantala, binuntutan naman ng CCG vessel 4202 ang BRP Malabrigo sa distansyang 700 yarda.
“This close proximity posed a significant threat to the safety and security of the Philippine vessel and its crew,” ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ukol sa WPS.
Labingwalong Chinese Maritime Militia vessels ang nakita malapit sa Sabina Shoal, ani Tarriela.
Sa paligid naman ng territorial sea ng Pag-asa Island, apat pang Chinese Maritime Militia vessels na lumilitaw na nakikibahagi sa mga aktibidad sa pangingisda, ang itinaboy ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.
“This close proximity posed a significant threat to the safety and security of the Philippine vessel and its crew,” ayon kay Tarriela.
Ang bagong kaganapan ay bahagi ng pitong araw na ‘maritime patrol’ ng PCG sa katubigan ng Sabina Shoal, Iroquis R.eef, Lawak, Patag, Likas, Parola, Pag-asa, Tizzard Bank, Julian Felipe Reef, at Ayungin Shoal.
- Latest