^

Police Metro

Utol dedbol sa bugbog ng kuya

Mer Layson - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na lalaki ang nasawi nang bugbugin ng kanyang nakatatandang kapatid matapos silang magkasagutan sa isang inuman sa Tondo, Manila kamakalawa.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si alyas ‘Onin,’ ng Parola Compound, Tondo dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Agad naman naaresto ang suspek na si alyas ‘Kulas,’ 54, na nakapiit na ngayon matapos kasuhan ng pagpatay sa piskalya.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bago naganap ang krimen, alas-3:15 ng madaling araw sa Area H, Gate 19, ng Parola Compound, Tondo ay masaya pang nag-iinuman ang magkapatid.

Gayunman, sa ‘di pa malamang kadahilanan ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mga ito na nauwi sa pambubugbog.

Sa tindi ng tinamong bugbog ay nawalan ng malay ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with