^

Police Metro

3 araw tigil-pasada tatapatan ng DOTr

Mer Layson, Malou Escudero - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3 araw tigil-pasada tatapatan ng DOTr
Jeepney drivers wait for passengers along LRT-Taft Avenue and Gil Puyat stations in Pasay City during rush hour on March 20, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

Magdedeploy ng libreng sakay, karagdagang bus at tren

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na handa silang magdeploy ng mga sasakyan para sa tatlong araw na tigil-pasada simula ngayong araw (March 24) hanggang 26, 2025.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon na magdaragdag sila ng mga bus sa EDSA busway at trains sa MRT3, LRT1 at LRT2.

Maging ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay magbibigay din ng libreng sakay sa bus na apektado lugar ng tigil-pasada.

Hinikayat ni Dizon ang transport groups ng diyalogo sa halip na magsagawa ng protesta.

“Panawagan natin na sana para sa ating mga kababayan na hirap na hirap na sa pang-araw-araw na pagko-commute, sana huwag ng mag-strike. Instead, sana mag-usap na lang muna para maintindihan ng bagong liderato sa DOTr ang mga hinaing nila,” wika ni Dizon.

Ang grupong MANIBELA ang nagsasagawa na ng jeepney strike noong Biyernes bago ang tatlong araw na tigil-pasada, simula ngayong araw.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with