Vlogger na pulis, payag na sa neuro test
MANILA, Philippines — Kasunod ng pagtungo kahapon sa Quezon City Police District (QCPD) ay handa na umanong sumailalim sa neuro-psychiatric test ang viral cop na si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas.
Batay sa inilabas na statement ng QCPD, bandang alas-11:00 ng umaga kahapon nang magreport si Fontillas sa QCPD at nagpaliwanag sa kanyang ginawang post sa social media.
Matatandaang nag-post ng kanyang saloobin si Fontillas gamit ang Facebook kung saan binabatikos ang administrasyong Marcos at Philippine National Police (PNP) hinggil sa pag- aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa QCPD, bilang bahagi ng requirements para sa Return to Active Duty, sasailalim si Fontillas sa medical check-up at Neuro-Psychiatric examination.
Nagpahayag din umano ng pagsisisi si Fontillas sa kanyang ginawa at nangako na hindi na uulitin pa.
- Latest