Truck driver timbog sa P816 milyong shabu sa daungan
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 120 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P816 milyon shabu ang hindi nakalusot sa K-9 at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tinangka umanong ipuslit sa Port of Calapan, Oriental Mindoro, kahapon ng umaga.
Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, nakumpiska ang milyong halaga ng shabu mula sa suspek na kinilalang si “Cris”, 43 truck driver at residente ng Oton, Iloilo.
Sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang madakip si “Cris” matapos ang inspeksyon at maamoy ng K-9 ang droga sa loob ng compartment ng kanyang sasakyan.
Nadiskubre ng mga aotoridad sa mga travelling bag ang 120 pakete ng hinihinalang shabu, na humigit-kumulang 120 kilo na nagkakahalaga ng P816,000,000.
Nasamsam din sa seaport interdiction operation ang isang Toyota Camry, isang mobile phone at mga commercial transport documents ng suspek.
- Latest