20 vloggers bantay-sarado ng NBI
Nagpapakalat ng fake news…
MANILA, Philippines — Binabantayan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang nasa 20 vloggers, na nagkakalat umano ng fake news online.
Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na ang ahensya ay may listahan ng mga vlogger at ang kanilang mga online post.
Ang isang vlogger pa umano sa listahan ay nakabase sa United States na may dalawang warrant of arrest.
Paliwanag ni Santiago, may limitasyon lamang ang iginiit ng iba na mayroon namang freedom of speech at freedom of expression at hindi pwedeng sabihin na biru-biro lang.
Maaring maharap ang vlogger sa cyberlibel at inciting sedition dahil sa pag-uudyok sa mga mamamayan gamit ang kanilang content.
Sinusuri na rin ng NBI ang mga posibleng kaso laban sa mga indibidwal.
Nakikipag-ugnayan na ang Malacañang sa National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology para parusahan ang mga nagkakalat ng pekeng balita, lalo na kung may kinalaman sa pulitko.
- Latest