VP Sara, dumating na sa Amsterdam

MANILA, Philippines — Dumating na sa Ams­terdam si Vice President Sara Duterte, bago tuluyang madala sa The Hague Penitentiary Ins­titution ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte, upang humarap sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang kinumpirma kahapon ng Office of the Vice President (OVP) na dakong alas-9:47 ng gabi ng Miyerkules (Central European Standard time) o pasado alas-2:00 ng madaling araw ng Huwebes (oras sa Pilipinas) nang lumapag ang eroplano ng bise presidente sa Amsterdam.

Anang OVP, “Upon her arrival, VP Duterte was met with assistance from the Dutch Foreign Ministry and the Dutch National Police Corps.”

Nakatakda rin anilang bisitahin ni VP Sara ang kanyang ama, matapos ang gagawing pakiki­pagpulong sa mga abo­gado nito.

Inaasahan din umanong magpapaunlak ng panayam sa media ang bise presidente sa The Hague ngayong araw.

Maging ang kanyang kapatid naman na si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte ay nabatid na napagkalooban na rin ng travel clearance para sa isang personal na biyahe sa Japan at sa The Netherlands.

Show comments