Bebot binoga ng katropa sa mukha
Dahil sa droga…
MANILA, Philippines — Sabog ang mukha ng isang babae matapos barilin ng kanyang mga katropa sa umano’y illegal na droga sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang nasawing biktima na si alyas Ekang, 33 ng Brgy. Pasong Putik ng lungsod habang tugis naman ang tatlong kalalakihan na suspek.
Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pamamaril sa biktima, alas-3:54 ng madaling araw kahapon sa eskinita ng Samawena corner Malipaka St., Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Sa kuha ng CCTV, nakita pa ang biktima na kausap ang isang lalaki na nakasuot ng hoodie at makalipas ang ilang sandali ay binaril siya ng lalaking kausap sa mukha at sa tagiliran saka mabilis na tumakas kasama ang dalawa pang lalaki.
Nakita naman ng isang saksi ang duguang biktima kaya agad na humingi ng tulong sa mga otoridad.
Lumilitaw sa record ng PNP Crime Information Reporting Analysis System (CIRAS), na dati nang nasangkot ang biktima sa paglabag sa droga.
- Latest