Discaya: Pasig City gagawing Smart City
MANILA, Philippines — Upang makapamuhay ng mas maayos ang mga residente ay nangako ang nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig na si Sara Discaya, na gagawing Smart City ang Pasig City.
Para maisakatuparan ang pagiging isang ‘smart, green at sustainable city’ na may ultimate goal na paghusayin ang urban quality ng pamumuhay ng bawat Pasigueños. Nabatid na bisyon ni Discaya, pinakamalapit na katunggali sa halalan ni incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, na hindi lamang gawing isang modern urban city ang lungsod, kundi isang “smart city” na makaaabot sa bawat komunidad, partikular na ang mahihirap na pamilyang naninirahan sa Pasig.
Kabilang umano sa kanyang priority projects, sakaling palaring maging top executive ng lungsod, na makapagkaloob ng isang ‘seamless broadband’ at ‘Wi-Fi coverage.’
Plano rin niyang magpatayo ng bagong pagamutan para sa mahihirap, ibalik ang “yellow health card” schemes para sa easy access sa pangangailangang medikal at medisina at iprayoridad ang edukasyon.
Binigyang-diin ni Discaya na ang development challenges ng lungsod ay kailangang resolbahin, gayundin ang mga major urban problems, gaya ng overpopulation, land use, waste at traffic management, air pollution at mga pagbaha.
- Latest