^

Police Metro

Paslit, agaw-buhay sa bugbog ng nanay ng kalaro

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 6-anyos na batang babae ang agaw-buhay sa pagamutan matapos umanong bugbugin at iuntog ang ulo sa inidoro ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakaratay ngayon sa isang pagamutan sa Quezon City ang biktimang si alyas Neneng matapos sumailalim sa maselang operasyon.

Arestado naman ang suspek na kapitbahay ng biktima na ngayon ay detenido sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa anak ng suspek na kalaro ng biktima sa loob ng kanilang bahay, dumating umano ang kanyang nanay at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umano nitong hinaltak ang biktima at pinagsusuntok.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at kinaladkad ang bata sa loob ng banyo at doon ay pinag-uuntog ang ulo ng bata sa inidoro at pader.

Nang marinig ng kapatid ng suspek ang ingay sa loob ng nasabing bahay ay agad itong pumasok at doon ay nakita nito ang duguan at walang malay na bata.

Kasalukuyan namang inihahanda ng mga otoridad ang isasampang kaso laban sa suspek.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with