^

Police Metro

Sen. Bato: ICC is all about control

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang International Criminal Court (ICC) ay hindi para umano hanapin ang hustisya bagkus ay para kontrolin ang mga bansa na miyembro nito.

Ito ang pahayag ng dating PNP chief at  Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos maghayag si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kamakailan na ang pamahalaan ay makiki­pag-usap sa  ICC sa hinaharap at pag-usapan ang ilang erya ng pakikipag-isa pag-iimbestiga  sa  Duterte administration’s drug war.

“Go ahead kung anong gusto nila. Hindi namin sila maco-control… Kung i-engage nila, sige lang, go ahead, basta ako, very solid ‘yung aking paniniwala na walang jurisdiction ang ICC sa ating bansa,” pahayag ni Dela Rosa.

“Pumasok kayo dito, ICC. We will go to the Supreme Court, we will seek judicial relief kung talaga bang may jurisdiction ang ICC dito,” dagdag pa nito.

Naniniwala si Dela Rosa na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas matapos kumalas ang ating bansa sa Rome Statute, o ang kasunduang bumuo ng ICC, noong 2019.

Dinagdag pa ng mambabatas na epektibo na ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC nang simulan ng mga prose­cutors nito ang imbestigasyon.

Matatandaang nahaharap ang senador sa kasong Crimes Against Humanity dahil sa pagpapatupad ng War on Drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan si Dela Rosa ang noo’y Philippine National Police (PNP) chief.

“Ang daming tao na nagsasabi na nagpapasalamat sa war on drugs dahil safe na ‘yung kanilang environment. So, for us, it’s a great success,” pagwawakas ni Dela Rosa.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with