Filipino businesswoman napili bilang ‘Outstanding Filipino Woman Leader’ ng Amerika Prestige Awards
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Amerika Prestige Awards na ang Filipino businesswoman na si Virginia Ledesma Rodriguez ay napili ngayong taon bilang Outstanding Filipino Woman Leader, dahil sa kanyang ipinakitang exceptional innovation, leadership, community impact at bunsod ng kanyang kontribusyon sa pagpapahusay ng agrikultura at industriya ng edukasyon sa Pilipinas.
Ang Amerika Prestige Awards ngayong taon ay idaraos sa Mayo 24, 2025 sa Church Of Scientology Valley Burbank Blvd. sa Los Angeles, USA, ayon kay Sam Azurel, president at founder ng Amerika Prestige Awards.
Si Ms. Rodriguez, isang pilantropo at kilala sa kanyang mga advocacy programs na nagpopokus sa pagtulong sa mahihirap na magsasaka at kanilang mga anak, ay kabilang sa mga Pinoy na tatanggap ng parangal, simula nang ito ay ilunsad, higit limang taon na ang nakararaan. “I am very fortunate to work in a field that allows me to contribute towards improving peoples’ lives. Modernizing agriculture and scientific research paves the way for technological breakthroughs that have the potential to transform agriculture in the Philippines and benefit mostly poor farmers,” ani Rodriguez.
“I am deeply honored that our efforts are recognized outside the scientific community and I hope that this would inspire more people to pursue their advocacy and dreams,” dagdag pa ni Rodriguez, pangulo at CEO ng Lucky V Construction firm.
Ang tatlo pa namang Filipino Achievers na tatanggap rin ng parangal mula sa Amerika Prestige Awards ay sina PAO Chief, Atty. Persida V. Rueda-Acosta, Mayor Josemarie Diaz ng City of Ilagan at President/CEO ng Intele Builders and Development Corporation, na si Madam Cecille Bravo.
- Latest