‘Digital Superhighway’, isang paraan sa paglutas ng Davao City traffic - Nograles

MANILA, Philippines — Iginiit ni dating Davao City lawmaker Karlo Nograles na isa sa dapat pagpursigihan ng lokal na pamahalaan ang paglalatag ng tinatawag na ‘di­gital superhighway’ bilang isa sa maraming solusyon sa malalang problema sa trapiko, na siyang epekto o patunay nang kaunlaran ng lungsod.

Sa kanyang pakiki­pag-ugnayan sa mga residente ng third district ng Davao City, ipinaliwanag ni Nograles na kasabay sa pag-unlad ng lugar ay asahan ang mas abalang mga lansangan, na kung inaasahan na magaganap, maaari itong napagplanuhan at nabigyan ng kalutasan.

“Traffic is not just a transportation issue; it’s an economic issue. If we reduce the number of people who need to commute daily, we ease congestion and improve productivity at the same time. Instead of simply widening roads, we need to rethink mobi­lity by reducing the need to travel in the first place,” dagdag pa ni Nograles, na kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod.

Ayon kay Nograles, na dati ring naging chairman ng Civil Service Commission (CSC), ang isang modernong lungsod ay dapat yakapin ang tinatawag na ‘modern work models’, gaya ng pagsusulong ng work-from-home at flexi-time arrangements, na makatutulong para mabawasan ang volume ng commu­ters at mga sasakyan tuwing rush hours.

Show comments