MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao habang isa ang nasugatan nang mahulog ang isang pickup truck sa isang 100-metro lalim na bangin sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet, kamakalawa.
Nasawi noon din si Charles Oplas, 21; habang idineklarang dead on arrival sa ospital sina Jefferson Oplas, 29, driver, at Ruvelyn Agapinan. Habang ang isa pang pasahero, si Luisito Bacoco, 14, ay nasugatan at dinala rin sa ospital.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Jefferson sa sasakyan, tumama sa isang kongkretong harang, at nahulog sa bangin.
Ang mga biktima, pawang mga residente ng Barangay Loacan, Itogon, ay patungong Baguio City nang maganap ang aksidente.