MANILA, Philippines — Posibleng hindi na matutupad ang pangarap ng isang criminology student na maging pulis matapos makumpiskahan ng nasa 1.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.5 milyon sa Cebu City kamakalawa.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas, naaresto ang suspek na si “Cari”, residente sa Sitio Puntod, sa buy-bust operation sa Sitio San Vicente, C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima sa lungsod.
Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa regional-level high-value target na umano’y pinagkukunan ng ilegal na droga ng iba pang suspek na nauna na nilang nadakip.
Inginuso ang suspek na siyang nagsu-supply sa kanila ng shabu na ikinakalat naman nila sa kanilang mga lugar.