Batang babae ginahasa, pinatay

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan sa isang tubuhan ang katawan ng isang limang taong gulang na batang babae sa Valencia, Bukidnon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng ilang local media outlet, Biyernes, Enero 10, nang mawala umano ang biktima habang siya ay nakikipaglaro. Habang umaga noong Sabado nang matagpuan ng may-ari ng naturang tubuhan ang bangkay ng bata.

Hinihinalang ginahasa ang biktima matapos siyang marekober na wala nang suot na saplot sa katawan. Isinailalim na rin sa autopsy ang mga labi ng bata upang matukoy ang mismong sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng biktima lalo na’t wala pa raw persons of interest ang mga otoridad.

Show comments