Lady Vietnamese na pekeng beauty doctor, timbog

MANILA, Philippines — Naaresto ang isang babaeng Vietnamese national sa isang beauty clinic sa Mandaluyong City dahil sa ilegal na pagsasagawa ng medical procedures sa isang entraptment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang suspek ay kinilalang si Trinh Thi Kieu Nguyen na kilala bilang “Dr. Rosa” ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office nitong Enero 9, 2025 sa reklamong paglabag sa Section 10 (in relation to Section 28) ng Republic Act  2382 (Illegal Practice of Medicine).

Kabilang sa inaalok ng suspek ang eyelid surgery, vaginal tightening, botox, at iba pang cosmetic procedures sa JK Beauty Clinic kapalit ang bayad.

 

Show comments