2 rider utas sa salpukan ng motor

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang dalawang motorcycle rider nang magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo Barangay Wasay Ibaba, Buenavista, Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Buenavista Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) minamaneho ni Fire Officer 1 Emar Paje ang kanyang motorsiklo patungo sa municipal fire station nang banggain ito ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Alfred Tolosa na ga­ling sa Buenavista-Cata­nauan road.

Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang dalawa at mabilis na isinugod sa Magsaysay District Hospital sa Lopez, Quezon, subalit kapwa nalagutan ng hininga.

Ang backrider naman ni Tolosa na si Fevilla De Guzman ay gina­gamit ngayon sa nasabing ospital dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Show comments