Chief of police natagpuang patay sa opisina
MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang hepe ng pulisya sa loob ng kanyang opisina sa Tuburan Municipal Police Station (MPS) Cebu nitong Sabado ng hapon.
Kasalukuyang nagluluksa ang Cebu Provincial Police Office (CPPO) sa pagkamatay ni P/Lt. Col. Glenn Hife na nadiskubreng patay, alas-5:30 ng hapon sa loob ng kuwarto sa kaniyang opisina sa bayan ng Tuburan.
Sa imbestigasyon, nitong umaga ng Sabado ay dumaing si Hife na masakit ang kaniyang tiyan at nagkulong sa kaniyang opisina para umano magpahinga.
Gayunman, nagsimulang mag-alala ang mga tauhan ni Hife ng dakong alas-5:00 na ng hapon ay hindi pa lumalabas ng kaniyang opisina.
Nang tunguhin ang silid ay dito na nadiskubre na hindi na gumagalaw at naninigas na ang katawan ni Hife.
Ipinaabot din ng CPPO ang kanilang pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasabing hepe ng Tuburan.
- Latest