MANILA, Philippines — Operation kontra ‘boga’ sa Cavite: Dinakip ng mga awtoridad ang nasa 55 menor-de-edad dahil sa ilegal na pagpapaputok gamit ang kontrobersyal na “boga” sa ikinasang 24-oras na “Operasyon kontra Boga” sa Cavite kamakalawa.
Umabot sa mahigit 100 piraso ng boga ang nakumpiska ng pulisya sa may 9 na bayan ng lalawigan sa loob lamang ng isang araw na operasyon.
Ginalugad ng Cavite Police ang lalawigan ng Cavite kung saan 55 na pawang menor-de-edad ang naaaktuhan na nagpapaputok gamit ang boga na gawa sa PVC tube o pipe.
Edad 7 hanggang sa 15 ang mga nahuli ng mga awtoridad na kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Municipal Social and Welfare Offcie at Department of Social Welfare and Development sa mga bayan ng Silang, Amadeo, Noveleta, Naic, Magallanes, Gen Aguinaldo, Mendez , Rosario at lungsod ng Tagaytay.
Nakipag-coordinate na rin ang pulisya, MSWD at DSWD sa mga magulang ng mga naarestong mga bata para sa kaukulang parusa na kakaharapin ng mga ito.