MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pamilya na sentro sa pagdiriwang ng Kapaskunan ng sambayanang Pilipino.
“Sa kabila ng komersyalismo, ang pamilya pa rin ang sentro ng Paskong Pilipino. Christmas is for the family, no matter how one defines family. Nandiyan ang traditional family composed of parents and their children. There are families anchored by a grandparent or two, caring for their grandchildren whose parents are working abroad,” sabi ni Mayor Belmonte sa kanyang Christmas message.
Kinilala rin ni Mayor Belmonte ang modernong pagdiriwang ng ilang mga pamilya sa iba’t ibang paraan na ang ilan ay pinamumunuan ng single parent at ang iba ay step families na pawang may ibat ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya.
Anya, ang lokal na pamahalaan ay laging handa sa pagkakaloob ng anumang uri ng tulong sa lahat ng nangangailangan.
“This year, naayos natin ang dokumento ng mga mag-asawang deka-dekada na ang pagsasama. We provided LGBTQIA+ couples the right to decide for their partner when one is in need of medical attention,” sabi pa ni Belmonte.
Anya tumugon din ang lokal na pamahalaan sa tawag ng ilang magulang sa abroad na nangangailangan ng tulong para paglaanan ng pagkalinga at pagmamahal ang mga anak sa Quezon City.