PITX nakapagtala ng panibagong record high sa dami ng pasahero
MANILA, Philippines — Umabot na sa 50 milyon ang pasaherong dumaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) simula nang maitayo ang nasabing grand terminal.
Sinabi ni Jason Salvador nitong Lunes, Disyembre 23 ang pinakamataas o record-breaking na 232, 074 ang naglagay sa kabuuang 50 milyon.
Samantala, hindi na naranasan ang matinding pagkaantala ng mga biyaheng patungo sa Bicol Region na magmumula sa PITX simula din nitong Lunes kumpara sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na simula nitong Disyembre 23, ay nakaaalis na sa oras ng nakatakdang schedule ang mga Bicol bound bus na dati ay ilang oras na pagkaantala dahil sa mabagal na turnaround dulot ng matinding trapiko sa bahagi ng lalawigan ng Quezon at Camarines Norte.
Kabilang ang Rolando Andaya Highway patungong Bicol sa dahilan ng pagkaantala ng biyahe dulot ng patuloy na pagkumpuni sa mga sira-sirang kalsada na epekto ng mga nakalipas na bagyo.
- Latest