Poultry products galing California, ban ulit sa Pinas

Store workers arrange trays of eggs at Blumentritt Market in Manila on September 29, 2023.

MANILA, Philippines — Ipinagbawal muli ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng lahat ng poultry products mula sa California, United States makaraang umusbong ang pagtama ng flu virus sa mga manukan sa nasabing lugar.

Sa ipinalabas na memorandum oder No. 52 ng DA, ban na ipasok sa bansa ang domestic, wild birds at kanilang produkto kasama na ang poultry meat, day old chicks, eggs at semen dahil sa muling pag-atake ng naturang virus sa naturang bansa.

Ang pagbabalik ng ban ay makalipas lamang ng tatlong buwan makaraang matanggal ng DA ang entry restriction sa mga poultry products mula California.

Dulot ng import ban, agad na sinuspinde ng DA ang pagproseso at evaluation ng lahat ng aplikasyon at pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearances hinggil dito.

Show comments