^

Police Metro

Budget hike sa MinDA, dagdagan at suporta sa SPDA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat madagdagan ang pondong ilalaan para sa Mindanao Development Authority (MinDA) at kailangang din na maipagpatuloy ang budget support sa Southern Philippines Development Authority (SPDA) para palakasin ang hakbang na pagpapaunlad sa ekonomiya ng Mindanao.

Ayon kay Dela Rosa, ang mga nabanggit na ahensiya ay naatasan para tutukan ang socio-economic progress ng itinuturing na major island in the south ng bansa.

Sa pagpupursige ng Mindanaoan lawmaker, na siya ring namumuno sa Senate finance subcommittee, ay dinagdagan nito ng P67 million ang badyet ng MinDA para makapagpatupad ng mas marami pang programa at tiyaking maipagpapatuloy ang kaunlaran ng rehiyon.

Ang nasabing P67 million budget increase ay gagamitin sa MinDA Digitalization Innovations Program, gayundin sa implementasyon ng Mindanao River Basin Program, at ng tinatawag na Strengthening of the Indigenous Peoples in Mindanao Program Year 2.

Ayon kay Dela Rosa, kinakailangan ang patuloy na research para sa Minda­nao River Basin Program, na sakop ang walong river basins sa loob ng island region at ito’y may kaugnayan sa kabuhayan ng nasa 4.5 mil­yon katao na nani­nirahan malapit sa mga ito.

Nabatid na para sa susunod na taon, ang Senado ay inaprubahan ang P334.515 million budget para sa MinDA sa ilalim ng bersyon nito ng General Appropriations Bill (GAB).

BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with