Karo ng patay sinalpok ng truck

Ang karo ng patay na sumabit sa unahan ng trak nang banggain sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite habang inihahatid sa libingan.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasugatan nang araruhin ang karo ng patay ng isang 14 ­wheeler trak sa kahabaan ng Gover­nors Drive, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang biktima na magkaangkas sa motorsiklo na kinilalang sina Baryl Cruz, 34, ng B61, L3, Sto. Cristo, Dasmariñas City at ang­kas na kinilala sa alyas Jho.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:10 ng hapon ay convoy ang mga sasakyan at ang karo na may temp. plate# 131210 na minamaneho ni Roland Camaganacan, 53 para ihatid sa libingan sa sementeryo ang dalang patay at ili­bing sa kalapit na sementeryo nang araruhin ito ng isang Isuzu truck (PSU 357) na minamaneho ng driver na si Jerome Russel, 35, ng Navotas City.

Natumbok umano nito mismo ang karo ng patay dahilan upang sumabit sa unahan ng trak.

Nadamay ang mga biktima na sakay ng motorsiklo at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.

Napag-alaman na hindi nakayanan ng preno ng trak dahilan sa pakurba at pababa ang kalsada dito.

Show comments