16-anyos na binatilyo, kritikal sa saksak ng 12-anyos na estudyante

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na estudyante ang malubhang nasugatan matapos saksakin ng 12-anyos na kapwa estudyante sa Malabon City, kamakalawa.

Nakaratay sa Tondo Medical Center habang ginagamot sanhi ng tinamong saksak sa likod ang 16-anyos na binatilyong biktima na residente ng Sanciangco St., Brgy. Catmon.

Nasa kustodiya naman ng City Social Welfare ang 12-anyos na binatilyong suspek na residente din sa natu­rang barangay matapos madakip ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente ng pananaksak ng suspek sa biktima sa hindi pa mabatid na dahilan sa No. 209, Sanciangco St. Brgy. Catmon.

Matapos ang insidente, isinugod ng kanyang mga kaanak at mga tanod ang biktima sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS4).

Show comments