^

Police Metro

23 bebot ‘inilalako’ sa POGO workers, nasagip ng NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa
23 bebot ‘inilalako’ sa POGO workers, nasagip ng NBI
This photo taken on July 19, 2024, shows the luxury apartments inside a scam center in Bamban, province of Tarlac. Scam centres have mushroomed across Southeast Asia, with crime syndicates luring, kidnapping or coercing workers into predatory online activity, and raking in billions of dollars.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Nasa 23 kababaihan kabilang ang anim na menor-de-edad na inilalako sa Chinese national na nagtatrabaho sa POGO hubs ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa isang establisimyento sa Tondo, Maynila. 

Ayon kay NBI Regional Director Ferdinand Lavin, nakatanggap sila ng report sa talamak na iligal na gawain ng suspek na si alyas “Mika”.

Modus ng suspek na i-post sa social media ang mga maseselang litrato ng mga biktima saka papupuntahin sa resort kung saan sila inilalako sa mga parokyano.

Ang mga biktima ay pinagsu-swimming pa para pagpilian ng mga dayuhang parokyano.

Umaabot sa P10,000-P15,000 ang ibinabayad ng mga Chinese para sa serbisyo ng mga biktima.

Sinabi naman ni NBI agent Jerome Hernandez na nagmula sa Pasig, Caloocan, Quezon City at Pampanga ang mga biktima na ibinibenta sa iba’t ibang lahi partikular sa mga Chinese.

Agad na inaresto si “Mika” nang tanggapin ng marked money sa ikinasang entraoment operation ng NBI.

Nasa pangangalaga ngayon ng DSWD ang ilan sa mga nasagip na menor-de-edad, habang posibleng maharap sa mga reklamo ang suspek.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with