^

Police Metro

Pastor Quiboloy, isinugod sa ospital

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pastor Quiboloy, isinugod sa ospital
Apollo Quiboloy (C, in orange), pastor and founder of the Philippine-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church, arrives to attend the arraignment at Pasig City Regional Trial Court in Metro Manila on September 13, 2024.
AFP / Jam Sta Rosa

Dahil sa irregular heartbeat, pananakit ng dibdib

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police na isinugod sa ospital ang kontrobersiyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy, matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at irregular heartbeat.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, si Quiboloy na kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, ay dinala sa Philippine Heart Center noong Biyernes para sa agarang atensyong medical dahil ang irregular heartbeat ay inilalarawan na isang banta sa buhay.

Si Quiboloy na tinagurian ang sarili na “appointed son of God” ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking at sexual abuse sa ginagawa nito sa mga  kababaihan na miyembro ng grupo.

Magugunita na ang legal team ni Quiboloy ay humiling na ng hospital arrest noong Setyembre dahil sa isyu ng kanyang kalusugan, subalit ito ay ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court noong October at mananatili ito sa police custody habang naghihintay ng paglilitis ng kanyang kaso.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with