MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru na itinakda sa Nobyembre 10 hanggang 16, 2024.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Acting Secretary Cesar Chavez, magpapadala na lamang ng kinatawan ang Pangulo sa summit sa katauhan ni acting Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque na itinalaga ng Pangulo bilang Special envoy of the President to the Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ week.
Ayon kay Secretary Chavez, mas prayoridad ng Pangulo na harapin ang mga panloob na usapin ng bansa kabilang dito ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa naging epekto ng mga nagdaang kalamidad.