^

Police Metro

Sen. Gatchalian, tikom bibig kung pag-aari ng kaanak ang SUV na may plakang ‘7’

Gemma Garcia - Pang-masa
Sen. Gatchalian, tikom bibig kung pag-aari ng kaanak ang SUV na may plakang â7â
Senator Win Gatchalian on August 27, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ayaw magkomento si Senador Sherwin Gatchalian kung pag-aari ng kanyang kamag-anak ang puting SUV na may protocol number “7” na nahuling dumaan sa EDSA busway.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Gatchalian na pinapaubaya na niya sa Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa nasabing isyu.

Anya, nakita niya sa mga balita na nagsalita na ang representative ng kumpanya at nagbayad na ng multa kaya bahala na ang LTO kung ano ang kanilang desisyon at kung ano ang gagawin.

Sa tanong kung ang SUV ay pag-aari ng kanyang kapatid, sagot ni Gatchalian ay nasa LTO na ang mga dokumento at sila na ang bahala dito dahil mahirap magkomento habang nag-iimbestiga ang LTO.

Matatandaan na noong linggo ay hinarang ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang puting SUV na may protocol plate no. 7 na para lang sa senador dahil sa pagdaan sa EDSA busway sa Guadalupe Station northbound lane at nagtangkang tumakas.

Sumuko na kamakalawa sa LTO ang driver na si Angelito Edpan, 52, empleyado ng ­Orient Pacific Corporations at hindi niya umano kilala ang sakay ng SUV.

vuukle comment

SENATOR SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with