Staff ni Cong. Revilla dedo sa bangga

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki na umano’y staff ni Cong. Jolo Revilla matapos na ang minamanehong motorsiklo ay sumalpok sa isang van sa kahabaan ng Manila-Cavite Road, Brgy. San Rafael IV Noveleta, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Barotilla Arevalo, 34, mas kilala sa tawag na “Rey Areglado” residente ng Camia St., Green Valley, Molino II, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-8:15 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang nasabing kalsada pauwi na sa kanilang bahay mula sa isang aktibidad sa Cavite City nang sumalpok sa kasalubong na Isuzu van na kulay puti (NFL3644) at minamaneho ni Edwin Tabano Janea, 48, residente ng Lapaz Homes Brgy. Cabezas, Trece Martires City, Cavite.

Sa tindi nang pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima at napuruhan ang ulo at napinsala rin ang katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Show comments