^

Police Metro

Gumuguhong pundasyon ng tulay sa Quezon, ikinabalisa ng mga residente

Tony Sandoval - Pang-masa
Gumuguhong pundasyon ng tulay sa Quezon, ikinabalisa ng mga residente
Makikita sa larawan ang pagguho ng mga lupa sa mismong pinagpapatungan ng isa sa dalawang poste sa ilalim ng Lagnas Bridge.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nababalisa ngayon ang maraming residente at motorista dahil sa unti-unting pagguho ng lupang kinatitirikan ng mga bored piles o poste sa ilalim ng Lagnas bridge 1, sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Ang Lagnas bridge ay bahagi ng nasabing highway na nagsisilbing pangunahing daan sa pagitan ng National Capital Region at sa kabuuan ng Southern Luzon at kung wala ito ay maoobligang dumaan ang mga motorista at biyahero sa Quezon Eco-Tourism Road via Rosario-San Juan Road sa Batangas at Candelaria sa Quezon.

Noong Enero 4, 2023 ay sumulat si Quezon Governor Angelina Tan kay Department of Public Works and Highways (DPWH) regional director Jovel Mendoza at nakiusap para sa madaliang repair, rehabilitation kaugnay sa nasisirang kondisyon ng tulay.

Ginawa ng gobernador ang pagsulat matapos ang isinagawang inspection ng Provincial Engineering Office sa naturang tulay kung saan nakita ng mga ito ang gumuguhong sub-surface foundation ng mga poste sa ilalim nito dulot ng bagyong Paeng noong October 2022. Nagsagawa agad si DPWH-Quezon 2nd District Engineering Office District Engineer Del Rosario Naca ng inspection at naglagay ng mga gabion malapit sa pundasyon ng isa sa dalawang poste upang mapigilan ang soil at rock erosion sa palibot nito.

Nananawagan din ang mga residente at motorista kay Quezon 2nd District Rep. David Suarez na may huridiksyon sa lugar na asikasuhin ang mga problema sa kanyang distrito.

LAGNAS BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with